Vina

ROBIN NAGPA-BLOCK SCREENING NG PELIKULA NI VINA

April 17, 2024 Vinia Vivar 61 views

Sobrang thankful si Vina Morales sa ex-boyfriend na si Sen. Robin Padilla sa pagpapa-block screening nito sa pelikula niyang Sunny.

Sa video na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram ay makikita ang ilang kaganapan sa naganap na block screening.

“Bin @senatorrobinpadilla @robinhoodpadilla thank you for this private block screening of our movie Sunny. Appreciate it,” ang simula ni Vina sa caption.

Nagpasalamat din siya sa asawa ni Binoe na si Mariel Rodriguez, sa Padilla family at sa manager ng aktor/politiko na si Betchay Vidanes.

Nakakatuwang napanatili nina Binoe at Vina ang kanilang pagkakaibigan even after their breakup maraming taon na ang nakararaan.

Sa comment section ay natuwa rin ang kanilang fans na makita silang magkasamang muli.

In fairness, marami pa rin ang kinikilig sa kanilang dalawa.

AUTHOR PROFILE