Revilla1 Sen. Bong at the hospital

Sen. Bong na-injure ang Achilles tendon sa shooting, ooperahan

April 17, 2024 Vinia Vivar 63 views

“Please pray for me,” ang caption ni Sen. Bong Revilla sa kanyang live video sa Facebook last Tuesday night.

Makikita na nasa ospital ang action star/politiko. Ikinuwento niya na nagkaroon siya ng injury sa first shooting day ng pelikula niyang Alyas Pogi 4.

“’Yung aking Achilles tendon ay medyo may partial tear kaya medyo kailangan ng operation. We will know by tomorrow, kaya please pray for me,” aniya habang nakahiga sa hospital bed.

“First day ko ng Alyas Pogi yesterday kasama ko pa si Ara Mina and Epy Quizon. But you know, may mga pangyayari na minsan, hindi mo maiiwasan,” he said.

“Basta importante, pagdasal n’yo po na medyo hindi naman ganu’n grabe. Pero na-MRI (magnetic resonance imaging) na po ako kanina at sinabi na ng doktor na medyo… bale ‘yung 50% ng aking Achilles heel ay na-tear, ‘yun po. Dahil du’n sa pagtakbo, dahil sa sobrang bilis ko raw tumakbo,” kwento pa ni Sen. Bong.

“‘Yun ‘yung sinasabing hindi na tayo bumabata, tumatanda na,” natatawa niyang sabi. “But I’m okay. ‘Yun nga lang, ‘yung healing time, medyo matagal-tagal. After the operation, medyo three to five months ang healing.”

“Nakakainis,” sey niyang napapakamot sa ulo.

Bago nagkaroon ng injury ay makikita rin sa FB page ng aktor/politiko ang live feed niya habang nasa shooting ng Alyas Pogi 4.

Masayang-masaya pa si Sen. Bong habang ipinakikita ang set at ang mga co-star na sina Ara at Epy.

AUTHOR PROFILE