Tanya

‘SUNNY’ COMEBACK MOVIE NI TANYA

April 17, 2024 Jun Nardo 72 views

COMEBACK movie pala ni Tanya Garcia ang pelikulang Sunny ng Viva Films.

Nakausap ng Marites University si Tanya kasama ang husband niyang si Mark Lapid ng Tieza (Tourism and Infrastructure and Enterprise Zone Authority).

Ten years pa huling gumawa ng movie si Tanya at dahil halos mga kaibigan niya ang kasama at barkada movie naman ito, tinanggap niya with the blessing of her husband.

More than 15 years na ang relasyon nina Tanya at Mark at may tatlong babaeng anak na nakikita nilang malamang may pumasok sa pulitika at showbiz.

Abangan ang guesting nina Mark at Tanya sa YouTube at Facebook ng Marites University at doon ay makikita n’yo na napanatili ni Tanya ang ganda at maayos na pangangatawan.

AUTHOR PROFILE