Angelikhang

Kissing scene kay Angeli ipinagpaalam ni Ruru kay Bianca

April 17, 2024 Jun Nardo 78 views

NAGPAALAM si Ruru Madrid sa girlfriend na si Bianca Umali sa kissing scene nila ng Vivamax star na si Angeli Khang, ang bagong dagdag na character sa bagong chapter ng series niyang Black Rider.

Rason ni Ruru, transparent siya kay Bianca.

Naalala tuloy namin ang halikan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith nang gawin nila ang movie na Cara X Jagger.

Tago pa ang relasyon nina Bianca at Ruru noon kaya nagwala ang aktres sa parking lot ng isang mall matapos ang premiere night ng movie.

Anyway, halikan agad nina Ruru at Angeli ang kinunan sa unang araw ng taping, huh! So far, wala pa naman kaming nabalitaang violent reaction ni Bianca.

To follow, Ian F? Hahaha!

AUTHOR PROFILE