Angeline

Angeline two months preggy?… singer, ikakasal na sa live-in partner

April 17, 2024 Vinia Vivar 94 views

Ikakasal na si Angeline Quinto at ang partner niyang si Nonrev Daquina sa April 25 sa simbahan ng Quiapo.

Kinumpirma ito ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

“Sa darating na Huwebes, April 25, ay magaganap na ang pag-iisang dibdib nina Angeline at Nonrev na parehong deboto ng Nazareno kaya naman ang Quiapo church ang napili nilang simbahan,” sey ni Ogie.

Aniya pa ay bigatin ang mga ninong at ninang, kabilang na sina Manila Mayor Honey Lacuna at ilang bossing ng ABS-CBN.

Matatandaan na taong 2020 nang magkakilala sina Angeline at Nonrev sa pamamagitan ng kanilang common friend.

Nauwi ito sa isang relasyon at noong 2022 ay ipinanganak ng Queen of Teleserye Songs ang panganay nila ni Nonrev na si Baby Sylvio.

Ayon pa kay Mama Ogs, may tsika ring buntis ngayon si Angeline sa second baby nila ng partner niya.

“Balita ring buntis si Angeline sa 2nd baby nila ni Nonrev. Kaya magkakaroon na ng kapatid si Baby Sylvio. Kung totoo man ito, congratulations, Angeline and Nonrev,” aniya.

Samantala, wala pang opisyal na announcement sina Angeline at Nonrev tungkol sa kanilang kasal o sa diumano’y second pregnancy ng singer.

AUTHOR PROFILE