Kathryn

Kathryn niligawan ni Donny nang makipag-break kay Daniel

April 17, 2024 Vinia Vivar 83 views

True kaya na talagang niligawan ni Donny Pangilinan si Kathryn Bernardo matapos ang pakikipaghiwalay ng aktres kay Daniel Padilla?

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay ito ang napag-usapan. Sa simula ay pa-blind item pa itong ibinalita ni Mama Ogs.

“How true? Eh, minsan pala, eh, pinormahan nitong isang young actor si Kathryn. As in niligawan,” sey ni Ogie.

Nangyari umano ito nitong wala na sina Kathryn at Daniel, which means recently lang.

“Eh, ‘di ba, ‘yung dati, ‘di ba, nag-viral pa ‘yun? ‘Yung inaalok pa si Kathryn ng softdrink kasi baka nakainom si Kathryn, pambaba ng tama or something,” sabi pa ni Ogie.

Well, dito pa lang ay hulang-hula na kung sino ang tinutukoy niya dahil matatandaan na nag-viral ang video nina Kathryn at Donny sa wedding reception nina Robi Domingo at Maqui Pineda last January.

Sa nasabing video ay makikitang inaalok ng drink ni Donny si Kathryn habang nasa dance floor sila. Naging kontrobersyal ang insidenteng ito at nag-react nang bongga ang kani-kanilang fans.

Anyway, binanggit ni Ogie na hindi talaga mabibili ang pag-ibig.

At dahil obvious ang clues, binanggit na rin ni Ogie ang pangalan ni Donny.

Aniya, “Nasa kanya (Donny) na ‘yun kung gusto niyang aminin ‘yan na minsan, pinormahan niya or niligawan niya si Kathryn. Kaya lang, naudlot. ‘Yung rason kung bakit naudlot, hindi ko alam. Baka naman na-stop na talaga kasi nga, wala rin namang magandang patutunguhan,” ani Ogie.

“At saka siyempre, ‘yung ka-loveteam, baka mag-react naman ang mga fans,” dagdag pa niya.

Pero pasubali ni Ogie, kung ide-deny ito ni Donny, eh, wala siyang magagawa.

“Na kay Donny naman ‘yun kung aaminin niya o hindi. Eh, kung ide-deny niya ‘yun, eh, ‘di wala naman ding problema. Baka nga hindi totoo ‘yung source ko,” sey pa niya.

AUTHOR PROFILE