Revilla1 Sen. Bong at the hospital

Sen. Bong humihingi ng dasal

April 17, 2024 Eugene E. Asis 79 views
Bong
Sen. Bong at the Senate

HUMIHINGI ng dasal si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. matapos siyang isugod sa ospital noong Martes ng gabi dahil sa achilles tendon injury.

Ayon kay Sen. Bong sa pamamagitan ng Facebook live na ang pagkapunit ng ugat sa kanyang sakong ay dahil sa pagtakbo.

“Good evening. Guess where I am right now? I’m at the hospital. It’s a bit sad but I am okay. I had an injury—my achilles tendon had a partial tear and it seems like I need to undergo an operation,” ani Sen. Bong.

“We will know by tomorrow (so) please pray for me,” dagdag niya.

Sa pamamagitan din ng Facebook live, humingi din ang kanyang anak na si Jolo Revilla ng dasal para sa kanyang ama.

May posibilidad na maoperahan si Sen. Bong ngayong Huwebes, depende sa payo ng kanyang doktor.

“How are you? My father will undergo an operation, but we will know all other updates from his doctor by tomorrow. Of course, we are requesting prayers that his operation will be successful. But before that, all his bloodworks will still be checked if he is fit for an operation,” pagbabalita ni Jolo.

AUTHOR PROFILE