Guard PARDS SABIT KA–Pinangaralan ni Police Lt. Col. Dionelle Brannon ang suspek na harapin ang kanyang kasong child abuse na nabuking ng kumuha ng police clearance sa kanilang himpilan. Kuha ni Jon Jon Reyes

Sikreto ng sikyu nabuko nang kumuha ng clearance

February 22, 2024 Jonjon Reyes 86 views

Kaso ng child abuse lumutang

HIMAS-rehas ang 41-anyos na security guard ng arestuhin dahil sa child abuse na nadiskubre makaraang kumuha ng police clearance sa Sta. Mesa Police Station 8 kamakailan.

Nakilala ang suspek na si alyas Benjie ng Santol St., Quezon City, ayon kay Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, commander ng Manila Police District sa Sta. Mesa.

Natimbog ang suspek bandang alas-5:45 ng hapon. Hindi na nakapalag ang akusado at agad na inaresto ng mga pulis ng malaman na may nakabinbing warrant of arrest para sa kanya.

Pinapayagan siya ng korte na maglaan ng piyansang P200,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.

AUTHOR PROFILE