Sharon

SHARON, MAY PAYO SA MGA MAGULANG NG MGA LGBTQ

December 14, 2023 Vinia Vivar 170 views

Ipinagtanggol ni Sharon Cuneta ang anak na si Miel Pangilinan sa mga basher dahil sa pagiging miyembro ng LGBTQIA+.

Si Shawie ang guest ni Luis Manzano sa latest vlog nito at isa sa mga napag-usapan nila ay ang pag-come out ni Miel na queer siya last year.

Ayon sa Megastar, conservative siyang tao pero ina pa rin siya na naghahangad ng happiness ng kanyang mga anak.

“’Pag nanay ka, gusto mo lang, ‘yung happiness ng anak mo. Eh, ang tinu-tino ng anak ko. Hindi naman sakit ‘yung pagiging miyembro ng LGBTQIA+ community. It’s not a sickness. You know, parang she didn’t choose to be,” ani Sharon.

Nang mag-come out si Miel, nagulat umano siyempre sila at first. Pero in the end, suportado niya kung saan maligaya ang anak.

“So, I support her fully. Walang iniba. Kasi parang feeling ko, I don’t think anybody’s in a position to judge. I grew up around gay people, lesbians, you know my mommy took care of tomboys and gay people. I grew up na sila ‘yung laging katulong ni Mommy.

“Friendship-wise, I have a lot of friends who are gays and lesbians who are actually some of the most decent and most loyal, upright people that I have known,” she said.

Tanggap na tanggap ni Sharon si Miel at naaawa siya sa ibang nag-come out na itinatakwil pa ng parents.

“Anak n’yo ‘yan, eh. It doesn’t mean na may ginawa kayong mali. It’s just the norm. Siguro noon, hindi pinag-uusapan na ganito ka-open.

Pero marami na noon pa. Eh, ngayon na pwede, bigyan n’yo ng suporta ang anak n’yo,” payo ni Shawie sa mga magulang na may anak ding miyembro ng LGBTQ community.

“Maganda ‘yung nakakatulong, marunong magmahal, marunong makipagkapwa-tao, ‘yun ang importante,” saad pa ni Mega.

AUTHOR PROFILE