Dongyan Larawan mula sa IG/@marianrivera

DongYan pangako maging best friend sa isa’t isa

December 14, 2023 People's Tonight 189 views

MAY pangako sa isa’t isa ang celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung saan bestfriend ang kanilang magiging turingan.

Sa episode nitong Miyerkules, Disyembre 13 ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, natanong ang DongYan ng kanilang mga pangako para sa isa’t isa.

Sey ni Dingdong iba na raw kasi ang dynamics ng relasyon nila ni Marian dahil may mga anak na, pero nais pa rin ng GMA Primetime King na palagi pa rin siyang nandiyan para sa kanyang asawa, at ituturing na pinaka matalik na kaibigan hanggang dulo.

“Ako parati kong sinasabi sa kanya, pangako ko sa kanya na magiging bestfriend niya ko kahit anong mangyari,” sey ni Dingdong.

“Kasi, ngayon kasi, iba yung dynamics ng relationship dahil may mga anak, pero later on, alam naman nating lalaki sila, magkakaroon sila ng sariling mga buhay, pero kailangan kasi klaro na bumabalik kami dun sa core kung bakit kami nagkakilala at bakit namin minahal ang isa’t isa,” paliwanag ng aktor.

“And parati kong sinasabi sa kanya, kahit anong mangyari, nandito ko hindi lang bilang asawa, hindi lang partner, kundi bilang isang bestfriend mo hanggang dulo,” dagdag pa niya.

Samantala, ipinangako naman ni Marian sa kay Dingdong na hindi ito magsasawang intindihin at alagaan ang asawa.

“Ako kahit anong mangyari, hindi ako magsasawang alagaan at intindihin ka araw-araw. Pangako ko yan sayo,” wika ng aktres.

AUTHOR PROFILE