Paul

PAG-ENDORSE NG SKIN CARE PRODUCT, ’DI KABAWASAN SA PAGKALALAKI NI PAUL

December 14, 2023 Vinia Vivar 228 views

Bilang lalaki, hindi mahilig si Paul Salas sa mga skin care kaya nang makatanggap siya ng offer na maging first male ambassador ng Beauty Wise ay ni-research muna niya ito.

“Bago ko po tanggapin ‘yung Beauty Wise, actually, ni-research ko siya kasi ako ‘yung type of man na hindi talaga nag-i-skin care at all kasi may ganu’n tayong pride, eh, ‘lalaki ako, okay lang ‘yan kahit mag-basketball, kahit outdoor-going ako,’” sabi ni Paul sa grand media launch recently.

“But nu’ng nakita ko ito, trinay ko, sabi ko ‘oo nga, ‘no, bakit kaya hindi ako ‘yung maging inspiration o maging boses ng mga lalaki na we should do skin care, too?” dagdag niya.

Na-realize niya na kailangan din ng mga lalaki ng skin care lalo pa nga’t maraming sports activities ang mga lalaki at laging nasa labas. Lalo pa kung katulad niyang artista, dapat laging presentable.

“Yeah, sabi ko, mukhang sanayan nga at hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki ‘yung paggamit ng skin care. Nakakapogi pa nga,” aniya.

Ayon naman sa CEO ng Beauty Wise na si Abdania Tapulgo Galo, perfect si Paul bilang male ambassador nila.

“While we were searching for someone to be our endorser, we kept on returning to Paul Salas because he truly embodies Beauty Wise,” sey ng youngest CEO in the country na pwede ring artista, sa totoo lang.

For 2024, marami silang pasabog sa Beauty Wise at kabilang na nga rito ang mga promotional activity ni Paul.

AUTHOR PROFILE