Jakbie

Barbie at Jak, ’di nakikiuso sa hiwalayan sa showbiz

December 14, 2023 Vinia Vivar 212 views

Ibinahagi ni Barbie Forteza sa Instagram ang date night nila ng boyfriend na si Jak Roberto.

Sa caption, she revealed na nagtampo siya dahil hindi na siya idine-date nito lately.

“Nagtampo kasi ako kase di na niya ko niyayaya mag-date. Wala akong emoji pag nagrereply,” sey ni Barbie.

Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa actor-boyfriend para sa kanilang date.

“Congrats sa successful 12.12 Sale! Thank you sa dinner! I love you, Boss @jakroberto,” anang aktres.

Sumagot naman si Jak ng, “Thank you Madam! Simula ngayon alam ko na gagawin. I love you so much.”

Ipinost din ni Jak sa kanyang IG Story ang larawan nila ni Barbie na kuha sa kanilang date at sey niya sa caption, “Ang hirap naman pag nagtampo si Madam.”

So, malinaw. Nagtampo lang si Barbie at okay na sila. Very much strong pa rin ang relasyon ng dalawa at hindi nakikiuso sa hiwalayan sa showbiz.

AUTHOR PROFILE