Ogie Larawan mula sa IG/@belle_brillantes at @ogie_diaz

Ogie Diaz pinagtanggol ina ni Andrea: ‘Krimen ba pagtulong sa pamilya?’

December 14, 2023 People's Tonight 142 views

DINEPENSAHAN ng comedian-actor at entertainment reporter na si Ogie Diaz ang ina ng aktres na si Andrea Brillantes mula sa punang natanggap nito sa netizens.

Kamakailan ay umingay ang ngalan ng ermat ni Andrea na si Belle sa naging pahayag nito sa komento ng netizen. May nagbigay komento kasi sa pagpapalaki niya sa kanyang anak.

“Papano mo kaya pinalaki si Andrea ‘no?” wika ng netizen.

“Paano? Napagtapos nya sa school mga kapatid nya, nakapag pagawa ng bahay, may sariling negosyo, ikaw anong ambag mo sa mundo?” sagot naman ng ina ni Andrea.

Pinagtalunan ng ilang netizens kung tama lang daw bang naging breadwinner ng pamilya ang aktres at iniasa ng magulang sa kanya ang mga responsibilidad.

Nakisawsaw si Ogie sa isyu at sinabing wala naman daw mali sa naging pahayag ng ina ng ‘Senior High’ actress.

“Bago ang lahat Loi gusto kong sumawsaw sa issue ng bakit daw ipinagmamalaki ng nanay ni Andrea na napag-aral ni Andrea ang mga kapatid, naipagpatayo sila ng bahay. Bakit naman hindi? Kasi nga sinasabi nila, ang mga magulang ang nagpoprovide sa mga anak. At kung magkakaroon naman ng mga ganun ang mga anak, para sa kanila mismo at hindi para sa mga magulang,” sey ng entertainment reporter.

“Jusko. Kailan ba naging krimen, pangit o hindi maganda ‘yung pagtulong sa pamilya? Jusko naman. Nanay naman ni Andrea ‘yun. Kung meron man siyang pamilyang binubuhay, ano naman ang pakialam natin?” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE