Sharon

Sharon, binatikos sa panunukso kay Maine

July 2, 2023 Ian F. Fariñas 226 views

HINDI ikinatuwa ng fans ni Maine Mendoza ang panunukso ni Sharon Cuneta sa kanilang idolo nang mag-guest sa record-breaking live pilot telecast ng TVJ at legit Dabarkads show na E.A.T. sa TV5 noong Sabado.

“Awkward” at “improper” umano ang ginawa ni Sharon na mag-congratulate kay Maine (para sa nalalapit nitong kasal kay Cong. Arjo Atayde) sabay bati kay Alden Richards on air ng, “Alden, ‘andito si Maine.”

Para sa fans, although labis na tinangkilik ang AlDub loveteam sa Kalye Serye ng old Eat Bulaga sa GMA Network, hindi magandang marinig mula sa Megastar ang tila pagpo-promote nito ng pelikulang ginagawa niya with Alden, ang A Mother and Son’s Story, para sa Cineko Productions.

Out of line raw ang ginawa ni Sharon lalo pa nga’t alam niya na ikakasal na sina Maine at Cong. Arjo ngayong buwan.

Anyway, hindi lang ito ang inabot na batikos ng singer-actress sa E.A.T. guesting dahil damay din siya sa kantiyawan online ng fans ng magkakaribal na noontime shows.

Sey ng isang netizen, iisa na nga lang ang guest ng E.A.T. nitong Sabado, pumiyok o nasintunado pa.

Ouch!

AUTHOR PROFILE