Kim Chiu

Kabado ang netizens: Barbie, posibleng palitan si Kim Chiu!

July 2, 2023 Vinia Vivar 310 views

Nag-viral sa iba’t ibang social media pages ang video ng guesting ni Barbie Forteza sa unang araw ng telecast ng “It’s Showtime” sa GTV ng GMA-7 last Saturday, July 1.

Tulad ng ibang Kapuso stars, first time ng aktres na mag-guest sa nasabing noontime show.

Ang dami kasing naaliw sa paraan ng pagsigaw ni Barbie ng “what’s up, madlang people!!!” na punumpuno talaga ng energy.

Makikita rin sa mukha ni Barbie ang excitement at happiness na nakapag-guest na siya sa “It’s Showtime” at ang daming nag-comment na ang cute nga ng aktres.

Ang nakakatuwang revelation pa, ang nanay pala ni Barbie, “It’s Showtime” ang pinapanood araw-araw at fan na fan ito ng show na siyempre ay ngayon lang niya ni-reveal dahil nasa kalabang istasyon nga naman ito noon.

“’Yung nanay niya, lagi raw nanonood ng ‘It’s Showtime,’” sabi ng main host na si Vice Ganda.

Sey naman ni Barbie na masayang-masaya, “Yes, si Mommy Amy po!”

Kantiyaw ni Vice, “Parang matagal nang gustong sabihin ni Barbie ‘yan, hindi lang niya maisigaw.”

Tawa nang tawa si Barbie na may kasama pang pagtalon.

After the telecast ay nag-tweet si Vice na bagay si Barbie sa show.

“Bagay si Barbie sa Showtime. I love her vibe!” tweet ni Vice.

Ang dami namang nag-agree at inudyukan pa si Meme na kuning co-host si Barbie.

May nagbiro naman na baka palitan ni Barbie si Kim Chiu. Hahaha!

AUTHOR PROFILE