Pauleen Luna

Pagbubuntis ni Pauleen, na-confirm kay Joey … Henyo Master, pasimpleng sinita ng misis ni Vic!

July 2, 2023 Vinia Vivar 248 views

Buntis nga ba si Pauleen Luna sa pangalawang anak nila ni Vic Sotto?

Ito ang tinatanong ngayon ng mga netizen matapos mapanood ang live pilot telecast ng bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng legit Dabarkadas na E.A.T. sa TV5 kahapon, Saturday.

Sa isang bahagi ng show, habang nagkakantahan ang TVJ at legit Dabarkads ng Rock, Baby, Rock ay tinawag para maki-join sa stage si Pauleen, Danica Sotto, Eileen at Jocas de Leon, ang asawa ni Tito Sen na si Helen Gamboa at anak nilang si Ciara Sotto.

Bigla na lang sumigaw si Joey ng, “Hoy buntis!” na si Pauleen ang pinatutungkulan.

Ngumiti lang si Pauleen tapos noong nagkakagulo na sa pagsayaw at pagkanta, sumimple para sitahin si Joey.

Hindi nakaligtas sa netizens ang eksenang iyon at ni-reshare sa TikTok ang video.

Sa comment section ay marami na nga ang naniwala na buntis si Pauleen.

Nag-congratulate rin sila sa mag-asawa.

“Confirmed hhehehe buntis siya baby number 2 congrats,” sabi ng isang netizen.

“’Yung mas una pa siya mag reveal hahaha akala ko ako lang nakarinig hahahahhahahahhahahhahaah,” komento naman ng isa pang TikTok user.

“Ang hinhin nga ng galaw dito ni pauleen. dati Todo sayaw,” sey naman ng isa pa.

“Ang kulit ni boss joey, inunahan eh,” reaksyon naman ng isa pang netizen.

“Preggy siya naka maternity blouse na siya,” puna naman ng isa pang TikTokerist.

“Yeyyyyyy magiging Ate na si Tali,” anang isa pa.

Si Tali ang panganay na anak nina Pauleen at Vic.

Well, abangan na lang natin ang announcement ng mag-asawa if ever.

Kung true ngang preggy si Pauleen, eh, hindi rin naman ito siyempre maitatago nang matagal.

Anyway, inilabas ng TV5 ang naging rating sa katatapos na noontime showdown sa pagitan ng E.A.T., It’s Showtime at revamped Eat Bulaga.

Base umano sa Nielsen NUTAM overnight data, nanguna ang E.A.T. sa labanan sa pagkakaroon ng 8.4 percent average program rating at nag-peak pa at 11.86 percent kumpara sa It’s Showtime na nagtala lamang ng 2.39 percent sa GTV, 1.28 percent sa A2Z at 0.27 percent sa Kapamilya channel. Ang Eat Bulaga naman ng TAPE, Inc. ay nagtamo ng 2.62 percent lamang.

AUTHOR PROFILE