Lito

Sen. Lito, swak sa bagong FPJ series

January 23, 2023 Jun Nardo 298 views

ALMOST 30 years na sa public service si Senator Lito Lapid. Kaya naman dahil hindi ganu’n kadalas ang sesyon nila sa Senado, muli siya mapapanood na umaarte sa bagong series na kinabibilangan, ang Batang Quiapo.

Swak na swak ang pagiging bahagi niya ng bagong series ni Coco Martin dahil sa panukala niyang batas na Quiapo Heritage Zone Act.

Muling humarap sa entertainment press si Senator Lapid upang makadaupang palad silang muli sa isang pre-Valentine presscon kahapon.

“Malaki ang naitulong ninyo sa akin kaya naman lagi akong magpapasalamat sa inyo. Wala kayong sawa sa pagsuporta hindi lang sa aking proyekto kundi higit sa lahat, sa aking adbokasiya.

Mahal ko po kayong lahat!” pahayag ni Senator Lapid.

Kasamang humarap sa press ni Senator Lito ang anak niyang public official na si Mark Lapid.

AUTHOR PROFILE