Regine

‘Darna,’ lilipad ang rating sa surprise guest?

January 23, 2023 People's Tonight 607 views

HOY, Ian F., according to a source, tuloy na today ang last taping day ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon, pero as of yesterday, hindi pa nakakapag-decide ang production kung sinong big star ang kukuning special guest na magiging part ng “council.”

Noong una, nag-yes na si Regine Velasquez-Alcasid at nasukatan na nga raw ng costume, pero hindi nga pumuwede si Jane, kaya hindi na natuloy ang misis ni Ogie Alcasid.

Kahapon, may mga pinagpipilian silang big stars, pero as we write this, wala pang final choice ang production, and for sure, kung sakaling makapag-decide na sila ay ililihim muna nila ‘yon.

Naku, dahil sa sinasabing surprise big star guest sa finale episode ng Darna series ni Jane, marami tuloy ang nagsasabing tiyak na aabangan ang ending ng nasabing fantaserye.

Pero sana nga mag-rate, ’noh?!

Agree, Ian F.?!

‘MOM,’ posibleng higitan ang ‘MiM’ record

Sa March 1 na ipalalabas sa mga sinehan ang Martyr or Murderer (MoM) ng Viva Films, second part ng Maid in Malacañang.

Pero inaayos pa raw ang schedule ng mga artista ng pelikula kaya hindi pa kasado hanggang ngayon ang presscon ng pelikula ni Direk Darryl Yap.

Ang maganda, ngayon pa lang ay makikita na ang interes ng fans sa pelikulang pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz at Isko Moreno.

Ang teaser nga ng pelikula, milyun-milyon na ang views.

Ang tsika nga sa amin ng isang taga-Viva Films, ngayong February na ilalabas ang full trailer ng pelikula.

Inaasahan na katulad ng Maid in Malacañang ay magiging blockbuster hit din itong Martyr or Murderer (MoM).

Posible rin umanong malagpasan nito ang tumataginting na kita ng MiM.

So bongga!. Jon Carlo

AUTHOR PROFILE