Jodi

Kapuso at Kapamilya collab, kukunan sa Switzerland

January 23, 2023 Jun Nardo 295 views

OPISYAL na ang collaboration ng GMA at ABS-CBN na hindi lang sa Viu streaming app ipalalabas kundi pati sa free TV ngayong 2023.

Tutulak patungong Switzerand ang Kapuso at Kapamilya stars na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Jodi Santamaria at Richard Yap sa GMA at ABS-CBN collaboration ng project na Unbreak My Heart.

Ito ang ground breaking project ng GMA at ABS-CBN na bongga ang location sa Swiss country.

Ayon sa social media post ng GMA, “GMA and ABS-CBN break boundaries with an ensemble cast featuring Kapuso and Kapamilya stars for their TV collab Unbreak My Heart.”

Bukod sa project na ito, may nakalinya pang pagsasamahan nina Sanya Lopez at Gerald Anderson.

Of course, historic ang pagsasamang ito ng dalawang networks na matagal nang nagkaroon ng network war, huh!

AUTHOR PROFILE