Bong Revilla

Sen. Bong, mamumudmod ng papremyo sa ‘Pogi na Pasko Christmas Giveaway 2023’

December 11, 2023 Ian F. Fariñas 254 views

TAUN-TAON ay nagsasagawa ng live program si Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa pagdiriwang ng Kapaskuhan bilang pasasalamat sa mga tagasuporta niya mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

May tema itong “Pogi na Pasko Christmas Giveaway 2023” at gaganapin sa Disyembre 17. Mapapanood ito nang live sa Facebook account ni Sen. Bong.

Ilan sa maaaring mapanalunan ay dalawang mobile sari-sari store, apat na iPhone 15 Promax, tatlong iPhone 15, pangkabuhayan package, cash prizes na P100,000, P50,000, P25,000, P10,000 at may malaking sorpresa na ikatutuwa ng mga manonood.

Sa mga kalahaok na nag-fill-up ng Google form, isang entry lang bawat kalahok ang mananalo dahil automatic na matatanggal ang may higit sa isang entry.

Kung sakaling dalawang beses mabunot ang entry ng isang kalahok, ang mas malaking premyo lamang ang mapapanalunan upang mas marami ang mabigyan ng pagkakataong magwagi

Magkakaroon din ng 2023 Amazing ang Pasko Dance Challenge! group category: 1st prize-P100,000, 2nd prize-P50,000 at 3rd prize-P30,000; couples category: 1st prize-P30,000, 2nd prize-P20,000 at 3rd prize P10,000; solo category- 1st prize-P20,000, 2nd prize-P10,000 at 3rd prize-P5,000.

Lahat ng kalahok sa dance contest ay nag-download ng “Idol kita sa Pasko/Pogi na Pasko jingle” na siyang gagamiting tugtog sa lahat ng katergorya sa dance contest.

Ngayon pa lamang ay napakarami nang kalahok na nag-post ng kani-kanilang videos sa wall kasama ang #AmazingangPasko, #BongRevilla at #PoginaPasko hashtags.

Hindi pa rin mawawala ang mga palarong Pachingko, Amazing Roleta, Poging Pasko Stockings, trivia games at marami pang iba na pangungunahan mismo nina Sen. Bong, Rep. Lani Mercado-Revilla, ang buong Revilla family at ilang sorpresang celebrity.

“Masaya ang magiging takbo ng Pogi na Pasko Christmas giveaway dahil bukod sa napakaraming papremyo ay pinaghandaan namin ang mga pakulo na tiyak na magpapasaya sa marami nating kababayan,” pahayag ni Sen. Bong.

AUTHOR PROFILE