Noel1

Noel walang balak magnetron at 82

December 11, 2023 Aster Amoyo 161 views

NoelHINDI na makakalimutan ng veteran singer-actor na si Noel Trinidad ang napakalaking karangalan ng ibinigay sa kanya ng Cineko Productions na pagbidahan ang award-winning family drama movie na “Family Matters” na pinagtambalan nila ng isa pang mahusay na veteran actress na si Liza Lorena na naging daan niya ng pagkakapanalo ng multiple Best Actor awards sa edad na 81.

“I never expected na mabibigyan pa ako ng pagkakataon na magbida sa isang napakagandang pelikula sa edad kong ito ,” pagmamalaki pa ni Noel nang ito’y aming makapanayam sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo”.

Noel was personally handpicked by Direk Nuel Naval and screenwriter Mel Mendoza-del Rosario to portray the role of the ailing patriarch Francisco Florencio, Sr. at si Liza naman ang gumanap sa papel ng kanyang asawa as Eleanor. Their children were portrayed by Nonie Buencamino as Francisco `Kiko’, Jr. , Mylene Dizon as Fortune, Nikki Valdez as Ellen at si JC Santos as Enrico.

Ayon kay Noel, masaya na siya kapag siya’y nakakatanggap ng offer na maging bahagi ng isang proyekto either sa telebisyon o pelikula. Para sa kanya, walang maliit or major role. Ang mahalaga sa kanya ay kung paano niya gagampanan ang isang papel na ipinagkakatiwala sa kanya.

When the script for the movie “Family Matters” was given to him, he immediately fell in love with the story and when the shoot started, agad niyang nagustuhan ang pamamahala ni Direk Nuel na napaka-cool umano sa set maging ang lahat ng kanyang mga kasama sa movie.

“It was a wonderful experience,” aniya na never umano niyang makakalimutan sa tanang buhay niya.

Noel was still in school ay aktibo na siya sa mga school plays at bahagi rin siya ng school glee club and the late singer-actor Subas Herrero was his childhood friend.

From school, he was already reading lines for radio drama programs when he was young with his mother, Lina Flor (isa sa mga pioneers on radio) as his mentor. Lina wrote most of the drama series for radio at kasama na rito ang radio drama na “Gulong ng Palad” which was adapted into a successful TV drama series na ginawa ring pelikula.

Ang unang pelikulang sinalihan ni Noel ay may kinalaman sa Hukbalahap Rebellion na pinamahalaan ni Lamberto Avellana. He later joined Avellana’s Barangay Theater Guild at napasama rin siya sa Repertory Philippines upon its formation in the 1960s. His first TV appearance happened in 1980s nang kanilang simulan ni Subas Herrero ang gag show na “Champoy” in 1981 na tumagal until 1985 on RPN9. Dito ay kasama nila si Tessie Tomas kung saan unang nakilala sa kanyang popular segment as Amanda Pineda spoofing weatherman Amado Pineda ng PAGASA. Ang dalawa pang popular segment ng programa ay ang “Mr. Boom Boom” at “Walang Sisihan”. Naging bahagi rin ng show sina Mitch Valdez and the late Gary Lising and Cherie Gil at iba pa.

Between Noel at Subas, mas unang nag-crossover sa pelikula si Subas na naging in-demand sa kanyang mga contravida roles. Si Noel naman ay mas naging aktibo sa paggawa ng iba’t ibang TV series and would do films every once in a while. Ilan sa mga pelikulang kanyang ginawa ay ang “Sinta,” “Batch ’81,” “Magikland,” “Suarez: The Healing Priest” and his first lead role in the award-winning film “Family Matters” kung saan siya ginawaran ng Best Actor recognition ng iba’t ibang award-giving bodies.

Naging bahagi si Noel sa iba’t ibang TV series tulad ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” “Be Careful with My Heart,” “Let the Love Begin,” “”Till I Met You,” “La Luna Sangre,” “Maynila,” “Almost Paradise,” “Tadhana” at iba pa.

“Ang buong akala ko ay hindi na darating ang pagkakataon na ito,” aniya.

Kung kelan nga naman siya umabot sa edad na 81 (he’s now 82) ay saka siya nabigyan ng pagkakataong magbida sa isang pelikula na magbibigay sa kanya ng parangal bilang Best Actor.

“This is one big opportunity and honor na hinding-hindi ko makakalimutan,” pahayag pa niya.

When he was younger, nagtrabaho rin si Noel bilang advertising executive pero ito’y kanyang iniwan in favor of his acting singing and acting career, but more on acting kung saan siya dinala ng tadhana.

At 82, wala pang balak mag-retiro si Noel bilang actor. The only challenge he has right now is his hearing problem.

Noel is married to Lally Laurel and they have a son na si Joel na isa ring actor.

Fifth may sarili nang production company

FifthFifth1Fifth2SueMASAYANG ibinalita ng ex-PBB housemate-turned actor, writer and director na si Fifth Solomon (Roberto Solomon Pagotan V) na meron na siyang naitayong sariling production outfit kasama ang kanyang mga kaibigan, ang Passion 5 Studios at first project ng bagong tayong kumpanya ang “Lasting Moments” kung saan tampok na mga bituin sina Sue Ramirez at JM de Guzman which he wrote and directs. The film will be shot in Singapore.

Ilan sa mga pelikulang sinulat at pinamahalaan ni Fifth ay ang “Sa Muli,” “Dulo,” “Single Bells,” “The Exorsis,” at “Nakalimutan Kong Kalimutan Ka”. He also directs music videos and TV commercials.

Si Fifth ay nakababatang kapatid ng Kapuso actress-comedienne na si Chariz Solomon. Meron din siyang twin brother na si Fourth (Bobby Pagotan) na kasama niya noon sa loob ng PBB house.

Marissa tagumpay ang first major concert

MarissaMarissa1NAGING malaking tagumpay ang first major concert ng singer, actress-comedienne at book author na si Marissa Sanchez na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura last December 8, 2023 na pinamagatang “Valentines in December”. Naging special guests niya sina Dingdong Avanzado, Jeffrey Hidalgo, JM de Guzman, Ronnie Liang at Ogie Diaz with The Mullato Boys as opening act. Si Maestro Elmer Blancaflor ang tumayong musical director habang si Vivian Poblete-Blancaflor naman ang nag-direk.

Ilan sa mga celebrities na nakita namin sa concert ni Marissa include veteran actress-entrepreneur na si Marissa Delgado and her daughter, ang dating actress na si Avon, ang Asian Diva na si Dulce, singer-comedian, host, entrepreneur and OWAA Administrator Arnell Ignacio, Nunungan mayor and film producer Marcos Mamay, singer, actor at host na si John Nite at iba pa.

Long overdue ang nasabing concert ni Marissa na kamakailan lamang naglabas ng kanyang “ Farewell Slam Book” na libro na siya mismo ang sumulat at nag-conceptualize.

Sa kabila na hindi naging maganda ang naging relasyon niya sa kanyang namayapang ina nung early stage ng kanyang buhay, nakabawi siya rito bago ito sumakabilang-buhay at ito’y kanyang binigyang-pugay sa kanyang show.

“Gaano man kabuti o kasama ang isang ina, lagi nating alalahanin na utang natin sa kanya ang ating buhay,” madamdaming pahayag ni Marissa.

Sa kabila ng kanyang timbang, nagpakitang gilas din si Marissa sa pagsayaw at meron pa siyang lifting part with his back-up dancers.

Marissa’s concert extended up to 12:30 a.m. kaya nagbiro ang isa sa kanyang special guest performers na si Dingdong Avanzado na ang buong akala niya ay December 8 ang petsa ng concert pero December 9 na umano siya nakapag-peform.

Marissa is a multi-faceted talent. Hindi lamang siya magaling kumanta at mag-entertain but she’s also a good actress-comedienne, host and writer.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE