Alexa

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 11, 2023 People's Tonight 204 views

Alexa1Alexa2Alexa3Alexa4

@alexamaeee3

GRABE KA NAMAN MANG HUSGA MA🙂

♬ original sound – Alexa Flores – Alexa Flores

WANT to see beauty with humor? Alexa’s got those, really. Ang TikTok star na ito ay tila hindi papakabog pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng netizens dahil sa kanyang kinang.

Si Alexa Mae Flores ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 1.2 million followers at 14.2 million likes sa kanyang account na may username na @alexamaeee3. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @lexflrss, na mayroon nang halos 15 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook. Ang kanya ngang page ay mayroong higit seven thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, funny and lifestyle contents, lip syncing skills, beauty and skincare tips, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Todo flex din si Alexa sa kanyang lovelife. Karamihan nga sa kanyang viral videos ay kasama ang kanyang nobyo at ang kanilang mga nakatutuwang moments.

Isa sa mga pinaka nakapukaw ng atensyon ng netizens na video ni Alexa ay ang nakatutuwang viral video niya sa isang skit kasama ang kanyang mama at nobyo. Ang nasabing video ng dalaga ay pumalo sa 28.4 million views at mahigit sa 2.6 million likes.

Marami ring ine-endorse na produkto si Alexa mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Alexa sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at ilang brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE