Annabelle

Annabelle nagbabala sa ‘devil woman,’ ama ni Sarah nagpasaring sa ‘dogs barking’

December 10, 2023 Vinia Vivar 224 views

Kinaaliwan ng netizens ang bagong post ni Annabelle Rama sa Facebook.

Sa nasabing post ay sinasabihan ni Tita Annabelle ang netizens na manood sa Netflix ng Hollywood film na Gone Girl starring Ben Affleck.

Aniya, makikita sa movie ang “devil woman.”

“Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR. Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN,” ani Tita Annabelle.

Hindi mawari kung patutsada ba ito ni Tita Annabelle sa kampo ni Sarah Lahbati, pero feeling ng netizens ay may kinalaman ito sa hiwalayan ng aktres at ng anak niyang si Richard Gutierrez.

Matatandaan na noong Biyernes ng gabi ay nagsalita si Tita Annabelle sa socmed at nilinaw na hindi siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Sarah at Richard.

She also revealed na nagsimula ang gulo nang umuwi sa Pilipinas ang mga magulang ni Sarah.

Sinabi rin niya na masa-shock ang lahat kapag lumabas na ang katotohanan at kung sino talaga ang kontrabida.

Pagkatapos nito ay nag-post naman sa Instagram ang tatay ni Sarah na si Abdel Lahbati ng larawan with his wife Esther, Sarah and her two sons Zion and Kai.

Makahulugan ang caption ng ama ni Sarah.

Aniya, “Enjoying every moment with family. The convoy keeps going and don’t mind dogs barking.”

AUTHOR PROFILE