Sarah Lahbati

Sarah, ayaw pumatol sa maaanghang na tirada ni Annabelle

December 10, 2023 Vinia Vivar 182 views

Tumanggi si Sarah Lahbati na magsalita hinggil sa napapabalitang hiwalayan nila ng asawang si Richard Gutierrez.

“I’d rather not comment on anything personal if that’s what you’re asking,” sey ni Sarah sa panayam ni MJ Marfori ng TV5 sa story conference ng comeback TV series niyang Lumuhod ka sa Lupa.

Ayaw na rin umanong patulan pa ng aktres ang maaanghang na salita ng biyenan na si Annabelle Rama sa social media.

Matatandaan na nagsalita si Tita Annabelle sa Facebook at Instagram na hindi siya ang may gustong maghiwalay sina Sarah and Richard.

Ni-reveal din niya na nagsimula umano ang gulo nang umuwi sa Pilipinas ang mga magulang ng kanyang daughter-in-law.

Anyway, mukha namang masaya si Sarah at excited siya sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.

“I’m okay and I’m excited. I’m feeling… honestly, I’m feeling grateful and I’m feeling blessed. Again, parang sunud-sunod ‘yung blessings from God, and I’m just excited to get to work,” she said.

Self-love umano ang rason ni Sarah sa kanyang pagbabalik.

“I’ve a five-year-old, we have a 10-year-old (sons) so parang sabi ko, pwede na siguro, ‘no? I’ve been a very hands-on mom and still a very hands-on mom, so parang I wanna do something for myself,” she said.

Napag-usapan din ang Christmas plans ng aktres at aniya ay hindi pa siya sure kung saan sila magpa-Pasko ng mga anak dahil magiging busy na rin siya sa trabaho.

“Even if I’m working, I’m still gonna be very hands- on with the kids and make sure we have a good Christmas,” aniya.

Asked kung ano ang regalo niya sa sarili this Christmas, sagot ni Sarah, “A tap on the back.”

AUTHOR PROFILE