Ice Seguerra at Liza Diño

Ice at Liza, patalbugan ng anniversary message

December 10, 2023 Vinia Vivar 152 views

Nagpatalbugan ng sweet anniversary greetings ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño sa socmed.

Ipinagdiwang nina Ice and Liza ang kanilang ninth wedding anniversary.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong Dec. 8, 2014 sa San Francisco, California. Nine years after, nananatiling mainit ang kanilang pagmamahalan.

“Hindi ko maimagine ang buhay ko nang wala ka. You are my rock, my safe place. Waking up beside you, every day is such a blessing. Thank you for choosing me, for choosing our relationship.

Kahit ano pa man ang problema, basta magkasama tayo, kayang kaya natin malampasan,” ani Ice sa Instagram.

“Happy 9th wedding anniversary, my love. I love you so much,” mensahe pa niya sa misis.

Ang ganda rin ng greeting ni Liza sa mister.

Aniya, “9 years ago we said I do. 9 years after, we still do! Happy 9th wedding anniversary, my love. I feel so lucky, it’s YOU.”

Makikita naman sa isa pang post ni Liza ang anniversary celebration nila sa Boracay.

AUTHOR PROFILE