Ronnie Alonte & Loisa Andallo

LoiNie: KathNiel, magkakabalikan

December 10, 2023 Vinia Vivar 238 views

Naniniwala ang magdyowang Loisa Andallo at Ronnie Alonte na posible pang magkabalikan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa panayam ni MJ Felipe ng TV Patrol sa LoiNie, sinabi ni Ronnie na kaya pa maayos ng KathNiel ang kanilang relasyon.

“Naniniwala pa rin kami na kaya pa ring pag-usapan ‘yan, ‘di ba?,” sey ni Ronnie.

“Umabot nga sila ng 11 years, eh. Bakit ‘yung ganyang problema, hindi nila kayang ayusin?” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Loisa, may communication sila ni Kathryn at alam niyang matapang ito.

“Si Kathryn, meron talaga kaming communication. Strong siya, matapang ‘yung babaeng ‘yun,” comment ni Loisa.

Matatandaang nagkaroon din ng breakup rumor ang LoiNie last year pero nilinaw agad ni Loisa na maayos pa rin ang kanilang relasyon.

Samantala, sinabi ng celebrity couple na sa Japan sila magpa-Pasko at excited na nga silang dalawa.

AUTHOR PROFILE