Marian Rivera at Heart Evangelista

Netizens, pinusuan ang viral video ng paghaharap nina Marian at Heart

December 10, 2023 Vinia Vivar 168 views

Matapos ang kanilang reconciliation, for the first time ay personal na nagkita ang dalawang reyna ng GMA-7 na sina Marian Rivera at Heart Evangelista. Naganap ito sa 84th birthday celebration ng GMA Network chairman at CEO na si Atty. Felipe Gozon sa EDSA Shangri-La Hotel noong December 9.

Makikita sa social media ang mga larawan at video ng ilang kaganapan sa selebrasyon at isa nga sa mga nag-viral ang pagyayakapan nina Heart at Marian nang magkita sila.

May mga photo rin ang dalawang aktres kung saan ay makikitang masaya silang nagtsitsikahan.

Maging ang mga netizen ay pinusuan at natuwa sa reunion ng dalawa na matagal ding hindi nagkita at nagbatian dahil sa hindi pagkakaintindihan noon.

“Kahit hindi ko sila kilala nang personal parang ang gaan sa pakiramdam na makitang nagkasundo ang mga dating nagkaroon ng tampuhan,” komento ng isang netizen.

“Sweet & Gorgeous!” reaksyon naman ng isa pa.

“All is well that ends well. Mga Reyna ng GMA,” sey ng isa pang fan.

AUTHOR PROFILE