Dingdong Dantes & Marian Rivera Larawan mula sa IG/@marianrivera

DongYan ‘dream come true’ collab ng TV stations

December 10, 2023 People's Tonight 217 views

TILA ‘dream come true’ para sa celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang naging collaboration ng ABS-CBN at GMA.

Ang pelikulang ‘Rewind’ na pagbibidahan ng DongYan ang kauna-unahang collaboration ng Kapuso couple sa Star Cinema ng ABS-CBN kung saan opisyal na entry sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.

Sa panayam kasama ang Metro.Style, ibinahagi ni Marian at Dingdong ang kanilang opinyon para sa sanib-puwersa ng dalawang malaking TV stations sa bansa.

“Before pa, si Dong palaging naka-over-the-bakod na yan. May ABS and GMA pa pero siya nakaka-over-the-bakod siya,” sey ni Marian.

“Palagi niyang sinasabi sa akin [na] sana balang araw, wala na ‘tong mga ‘to. Sana lahat pwedeng mag-collaborate. Sana lahat pwede mag-experience o mag-transfer, nang ganyan, na walang sinasagasaan. Palagi niyang sinasabi sa akin,” pagpapatuloy pa ng aktres.

“And then nangyari talaga ‘to. Sabi niya nangyari yung sinasabi ko na sana mangyari. So dun pa lang sa kwento niya na parang sinasabi niya talaga na alam mo yung ’di nalilimitahan yung mga artista kung ano yung project para sa kanila,” aniya pa.

Saad pa ni Dingdong na mabuti para sa industriya at mga manonood ang collaboration ng nasabing TV stations.

“Oo, napakaliit ng industriya and yet there’s so much space, so much space for our beautiful talents, ‘di ba? So, parang buti na lang nangyayari na siya ngayon. It’s good for the industry. It’s definitely better for the viewers,” pahayag ng aktor.

AUTHOR PROFILE