Darren Espanto Screenshots mula sa IG/@darrenespanto

Darren nawakwak pantalon habang nagpe-perform sa Qatar

December 10, 2023 People's Tonight 195 views

NAKARANAS ng wardrobe malfunction ang singer-actor na si Darren Espanto habang nagpe-perform sa isang show sa Qatar.

Sey ni Darren ay hindi niya raw makakalimutan ang kanyang naging pagtatanghal sa nasabing bansa.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng singer-actor ang isang video clip kung saan makikita siyang todo-bigay sa performance para sa opening habang suot-suot ang kanyang all white outfit.

Mapapanood din sa video na tila biglang nagbago ang facial expression ni Darren dahil sa insidente. Laking gulat niya na napunit na pala ang kanyang suot na pantalon habang nag-peperform ng opening act.

Mabilis namang na-handle ng singer ang sitwasyon at agad na tinakpan ang bahagi ng kanyang pantalon na nabutas.

“Qatar, I definitely won’t forget this show,” saad ni Darren sa caption ng kanyang post.

“Opening palang, napunit na agad pantalon ko,” dagdag pa niya.

Good vibes naman ang naging hatid ng post ni Darren sa mga netizens.

“OMG hilarious. Kailangan pagdaanan yan ng bawat performer. Congratulations.”

“Owemji moment hahahaha, ang saya tuloy ng DNs Qatar.”

“very professional ang bebe D, kahit napunitan ng pantalon… THE SHOW MUST GO ON! pero ang cute cute ng reaction mo Darren!”

“We love you so much D! Hindi ko napansin kahit nasa unahan ako, nakatitig kasi ako sa mukha mo. still great performance.”

“Hahaha pinost mo pa talaga. But you did great, professional talaga and nothing can stop you performing.”

AUTHOR PROFILE