Zeus Collins Larawan mula sa IG/@niceprintphoto

Zeus Collins tinalian na non-showbiz gf

December 10, 2023 People's Tonight 202 views

IKINASAL na ang Hashtags member at aktor na si Zeus Collins sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Pauline Redondo.

Sa Instagram page ng Niceprintphoto, inilabas nila ang wedding picture ng dalawa habang nasa background ang magandang tanawin ng paglubog ng araw.

Isang beach wedding ang naganap sa pag-iisang dibdib nina Zeus at kanyang non-showbiz girlfriend. Naganap ang nasabing kasal nitong Sabado, Disyembre 9 sa ACEA Subic Beach Resort.

Matatandaang nag-propose ang Hashtags member nitong Mayo ngayong taon kung saan inalok niya ng kasal ang nobya sa mismong fourth quarter ng main basketball event ng Star Magic 30th All Star Games.

Isiniwalat pa ni Zeus na humingi pa siya ng tulong sa kanyang mga kamiyembro sa Hashtags kung paanong gagawin sa sorpresang proposal na ginanap sa Araneta Coliseum.

AUTHOR PROFILE