Fifth Solomon Larawan mula sa IG/@fifthsolomon

Fifth Solomon ibinida sariling film production company

December 10, 2023 People's Tonight 171 views

IBINIDA ng actor-director na si Fifth Solomon ang kanyang sariling film production company na Passion5 Studios.

Ikinuwento niya sa kanyang Instagram page ang pinagdaan niyang hirap bago masimulan ang kompanya.

Sey ni Fifth na ilang beses siyang nabigo sa kahahanap ng mga investors at producers.

“May panahon na napagod na ako at tinanggap na hanggang dito nalang ako. Hindi ko na makakamit to. Pero dahil isinigaw ko sa mundo ang nais ko, naging mabuti ang tadhana,” saad ng actor-director.

Ibinahagi rin niya ang kauna-unahang project ng kanyang film production company kung saan itatampok ang aktres na si Sue Ramirez at aktor na si JM De Guzman.

“Nagumpisa na kami sa aming unang proyekto, ang “Lasting Moments” na pinangungunahan ng magagaling na mga aktor: Sue Ramirez at JM De Guzman. Written & to be directed by Me!! To be shot sa Pilipinas at Singapore. Grinding Very Soon!” pagbabahagi ni Fifth.

Inulan naman ng pagbati mula sa netizens ang achievement ni Fifth.

“Congrats @fifthsolomon. Super duper with tumbling happy ako for you,” komento ng actress-comedienne na si Candy Pangilinan.

“Sa ASAP chill out nun nakita ko na ang chemistry nina Sue at JM.”

“Congratulations, Fifth! Ang layo na ng narating mo from PBB days ~ masaya akong makita lahat ito.”

AUTHOR PROFILE