Melai Cantiveros & Jason Francisco

Jason, Melai masaya sa 10th anniversary

December 10, 2023 People's Tonight 153 views

ALL out ang naging selebrasyon ng celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa kanilang 10th anniversary.

Sa kanyang Instagram post, Disyembre 9, sinabi ni Melai na, “Simple and Budgeted 10th anniversary Celebration but Best Celebration ever with our loved ones.

Dagdag pa ng komedyante na, ibinahagi nila ang kanilang sweet 10 years of marriage sa mga taong nariyan para sa kanila.

“Shineshare namin ang 10 years of marriage namin sa mga kasama namin sa bahay. Unang-una mga nakakatulong sa bahay at buhay namin mag-asawa. Kung wala sila baka ‘di namin magampanan ang mga responsibilidad namin sa isa’t isa,” sey pa ni Melai.

Pinasalamatan ni “Madam Chief” star ang kanyang mga taga-suporta na dati ay “Melasons” ngayon ay “Kamsami” na.

“Thank you Melasons na ngayon Kamsami na ang tawag, na laging nandyan sa amin, masaya man o malungkot o kahit marriage war andyan pa din Kamsamiiiiiiiii sa inyong lahat .#Melason #10thyearofmarriage #kamatisfamily #nakaDecadanaTayo,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE