Vice Ganda

Vice Ganda may sey sa mag-jowa

December 10, 2023 People's Tonight 122 views

HINDI napigilan ni Unkabogable Star Vice Ganda ang humirit sa kanyang social media tungkol sa mag-jowa na never na-flex ng kanilang partner.

Sa kanyang X (formerly known as Twitter) post, Sabado, Disyembre 9, sinabi niyang wala nang mas masakit pa sa jowang active umano mag-post pero ‘di ka kaya i-flex sa kanyang personal account.

Aniya, “Sa panahon ng social media lalo na kung active ang jowa mo sa kakapost masakit kung ‘di ka magawang iflex sa socmed. #EspeciallyShowtime”

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng netizens tungkol dito. May ibang pumalag at may iba namang sumang-ayon.

“For me okay lang naman na ‘di ma-fex sa socmed. Wala naman kaming obligasyon ipaalam sa buong mundo. Okay na ‘yung few people who matter like family and closest friends,” retweet ng isang user.

“Masakit yung jowa ka taon na pero never ka Mina- my day, never ka pinost saklap,” pag-sang-ayon pa ng tagahanga ni Vice.

AUTHOR PROFILE