Kobe

Kobe may pa-soft launch kay Kyline sa IG

May 31, 2024 Vinia Vivar 157 views

Tila kinumpirma na ni Kobe Paras ang dating rumor tungkol sa kanila ni Kyline Alcantara sa Instagram.

Sa IG Story ng basketball player na anak ni Benjie Paras at Jackie Forster ay makikita ang larawan ni Kyline. Nirepost niya ang nasabing photo mula sa IG ng aktres.

Bukod dito ay nag-react din si Kobe ng heart-eyes emoji sa same IG photo ni Kyline na inulan ng katakut-takot na komento mula sa mga netizen.

Feeling ng fans at netizens ay dating na sina Kobe and Kyline.

Bakit nga naman irerepost ni Kobe ang larawan ni Kyline sa kanyang IG kung wala silang ‘something’ lalo pa nga’t alam na alam niyang pagsisimulan ito ng intriga?

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Hala ka inlove sya.”

“Tapos ang pila 💓”

“@_kokoparas

confirmed.”

“HOY INISTORY TO NI KOBE!!!!”

“minyday na wala na may nag wagi na.”

“Gumalaw na ang baso😂😍.”

Last week pa nagsimula ang ispekulasyon na may namamagitan kina Kobe at Kyline nang mapuna ng netizens na parehung-pareho sila ng larawang ipinost sa kani-kanilang Instagram accounts at halos pareho rin ng oras.

Ang picture na ipinost nila ay kuha mula sa isang restaurant sa Makati City. Hindi ito nakaligtas sa mga mata ng netizens at dito na nagsimula ang tsismis na dating ang dalawa.

AUTHOR PROFILE