Sakay

LRT 2 may libreng sakay sa mga kawani ng MARINA

May 31, 2024 Chona Yu 187 views

MAY alok na libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 sa mga empleyado ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa Sabado, June 1,

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Marina.

Magsisimula ang libreng sakay ng 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ipakita lamang ang company ID para makasabay ng libre.

Nabatid na ang libreng sakay na LRT 2 ay tugon sa hiling ng MARINA para kilalanin ang sakripisyo at malaking kontribusyon ng mga kawani nito sa pagpapaunlad ng maritime sector.

“𝐍𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐑𝐓𝐀 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲. 𝐈𝐭𝐨 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐋𝐑𝐓-𝟐 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐀 𝐞𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐞𝐞𝐬 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐝𝐢𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐬𝐚𝐤𝐫𝐢𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐞𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐫𝐢𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐬𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫. 𝐇𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐩𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐑𝐓𝐀 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐞𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐧𝐨,” pahayag ni 𝐋𝐑𝐓𝐀 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐀𝐭𝐭𝐲 𝐇𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨 𝐂𝐚𝐛𝐫𝐞𝐫𝐚.

AUTHOR PROFILE