Matteo

Matteo, inulan ng tukso sa graduation

December 11, 2023 Vinia Vivar 207 views

Sa kabila ng pagiging abala ni Matteo Guidicelli sa kanyang pagiging artista, negosyante at pagiging butihing mister ni Sarah Geronimo, nagawa pang makapagtapos ng aktor ng kanyang college course.

He just graduated with a Bachelor’s degree in Marketing Management from the University of San Jose-Recoletos in Cebu City.

Nagtapos ang aktor sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation program (ETEEAP), isang alternative learning program ng gobyerno.

Dumalo si Matteo sa graduation ceremony held last Dec. 9 at viral ngayon sa socmed ang video ng kanyang graduation speech kung saan ay makikitang nakasuot pa siya ng toga.

Sa kanyang graduation speech ay pinasalamatan ni Matteo ang kanyang mga magulang at aniya, ang kanyang diploma ay Christmas gift niya sa kanyang ina at pamilya, ganundin sa kanyang sarili.

Siyempre, hindi nakalimutang pasalamatan ni Matteo ang misis na si Sarah Geronimo.

“Of course, I’d like to say thank you very much to my loving wife for supporting me. Daghang salamat,” sabi ni Matteo at dinig na dinig sa video ang hiyawan at tuksuhan ng mga co-graduate niya.

AUTHOR PROFILE