Darren

NETIZENS AT CELEBS, NABALIW SA ‘WARAK PUNDILYO’ VIDEO NI DARREN

December 11, 2023 Vinia Vivar 174 views

Naloka ang netizens at kapwa-celebrities sa ibinahaging video ni Darren Espanto sa Instagram kamakailan.

Sa video kasi ay kitang-kita na biglang napunit ang kanyang pantalon habang todo-bigay sa pagsasayaw sa isang show.

Bale ba ay sa bandang pundilyo ito nawarak.

Sa caption ay ikinuwento niyang sa Qatar nangyari ang wardrobe malfunction.

“Qatar, I definitely won’t forget this show. Opening pa lang, napunit na agad pantalon ko,” sey ni Darren.

Tawa nang tawa ang mga netizen and celeb sa comments section.

“Haha nakakaloka ka!” sey ni Agot Isidro.

“Hahahahaha hataw eyhhhhh,” komento ni Vina Morales.

Pero ang maganda naman, marami ang pumuri sa singer dahil sa pagiging professional niya na itinuloy pa rin ang performance kahit nawarak ang pants niya.

“Ahahaha… Ang galing galing pa rin, actually di naman namin nahalata kasi Nakatutok sa mukha at performance mo!! Soo professional!!

Ang galing galing pa rin! LODI KA TALAGA!!” komento ng isang fan.

“Hahaha pinost mo pa talaga. But you did great, professional talaga and nothing can stop you performing,” sey ng isang netizen.

“Hala ang laki din pala ng punit ano hihi… Ang cutee mo to say and post this! Lesson din Kasi Yan sa mga co-artists mo! And I’m so proud of you nalagpasan mo!! Congrats D!!” sey ng isa pa niyang fan.

AUTHOR PROFILE