Sanya Lopez Sanya Lopez

Sanya nasungkit ang Top Celebrity Award mula sa TikTok

July 9, 2021 Eugene E. Asis 290 views

MULING pinahanga ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang kaniyang fans sa pinakabago nitong achievement sa kauna-unahang TikTok PH Awards na ginanap noong July 4.

Isa ang ‘First Yaya’ lead star sa mga nag-uwi ng Top Celebrity Award. Sey niya sa acceptance speech, hindi niya inaasahan ang naging suporta ng mga fans sa kaniyang pagti-TikTok, “Thank you! Maraming, maraming salamat po sa award na ito. Akalain n’yo ‘yon umpisa pa lang, for entertainment, for fun lang naman ‘yong ginagawa natin. Pero hindi ko po inakala na makaka-receive ako ng award from TikTok. Maraming, maraming salamat po. I’m very happy and surprised. Di ko akalain na aabot din ako ng 10 million. It started lang talaga na ine-enjoy ko lang yung paggawa ng TikTok. And I didn’t expect na aabot ng ganito.”

Sa kasalukuyan, mayroong higit 10 million followers si Sanya sa nasabing social media platform. Parte rin ng mga ipinagpapasalamat ng aktres ang naging matagumpay na finale episode ng pinagbidahang primetime series na ‘First Yaya’ kung saan minahal siya ng Kapuso viewers bilang si Yaya Melody.

Pokwang bilang konteserang nanay sa #MPK ngayong Sabado

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood ang bagong Kapuso na si Pokwang sa real-life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, July 10.

Pokwang

Bibida si Pokwang sa episode ng #MPK na pinamagatang ‘Nanay Kontesera.’ Kuwento ito ni Helen, isang inang maabilidad na gagawin ang lahat – mula sa pagtitinda, pangungutang, at pati na pagsali ng mga beauty contest – para lang itaguyod ang kanyang mga anak. Kayod-kalabaw si Helen, lalo na’t may kapansanan ang isa sa kanyang tatlong anak.

Naging tampulan ng pangungutya si Helen dahil sa paraan niya ng paghahanap-buhay para sa kanyang pamilya. Ang higit pang mas masakit, minamaliit ng kanyang sariling pamilya ang pagsali niya sa mga beauty contest.

“Talagang bet na bet ko po ‘yung role ko dito. I’m sure matatawa at maiiyak kayo. Ito po ay pinamagatang ‘Nanay Kontesera,’ ngayong Sabado na po ‘yan dito lamang po sa GMA,” share ni Pokwang.

Bahagi rin ng episode sina Boom Labrusca, Tart Carlos, Ayra Mariano, at Gold Aceron.

Huwag palampasin ang unang paglabas ni Pokwang sa brand-new episode ng #MPK na pinamagatang “Nanay Kontesera,” ngayong Sabado, July 10, 8:00 pm sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE