revirginized

Sharon, mapapaaga ang pag-uwi sa ’Pinas

July 9, 2021 Ian F. Fariñas 430 views

OVERWHELMED si Sharon Cuneta sa mainit na pagtanggap ng publiko sa trailer ng upcoming movie niyang Revirginized na sa loob lamang ng 24 oras ay naka-5 million views.

Kaya naman kahit nasa Amerika pa ang Megastar, eh, halos araw-araw silang nagbabalitaan ni Direk Darryl Yap, direktor at writer ng Revirginized.

Ang balita pa, mukhang mapapaaga ang pag-uwi ni Sharon ng Pilipinas lalo pa nga at ikinakasa na ng Viva Films ang presscon ng pelikula.

Ang Revirginized ay magsisimulang mapanood via streaming sa Vivamax sa August 6.

PILOT ng ‘The World Between Us,’ usap-usapan

TWBUTrending at inulan ng positive reaction ang pilot episode ng blockbuster primetime drama na The World Between Us nitong Lunes, July 5, maging ang unang paglabas kagabi nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith bilang Louie at Emilia, respectively.

Marami ang na-inspire sa kuwento ng batang Louie, at ang kaniyang pagsusumikap na maiahon sila ng kanyang ina mula sa kahirapan.

Tutok na tutok ang viewers sa pagsisimula ng istorya at marami ring netizens ang nagbahagi ng reaksyon sa pilot episode sa Twitter kung saan nag-trend ang official hashtag ng show na #TheWorldBetweenUs sa ikatlong spot.

Naka-relate rin ang ilang netizens sa kuwento ni Louie, “Nakaka inspire naman talaga mag-aral tulad ni Louie lalo na ‘pag mga parents natin ang ating inspiration. #TheWorldBetweenUs.”

Puring-puri rin ng mga manonood ang pang-world class na production at husay ng direktor ng serye na si Dominic Zapata, “Tatak at gawang Pinoy ang #TheWorldBetweenUs that we should be proud of. For its world class and outstanding cinematography, story, casting, and etc. At syempre, for the best direction of Direk Dom. Nakakabilib!”

Tutok lang sa The World Between Us, weeknights, sa GMA Telebabad.

RANDY AT DENNIS, ‘MAGBOBOLAHAN’ SA ‘THE WALL…’

ANG matagal nang matalik na magkaibigan on and off screen na sina Randy Santiago at Dennis Padilla ang “magbobolahan” ngayong Sabado sa The Wall Philippines, alas-otso ng gabi, sa TV5.

Magandang abangan kung paano gagamitin ng dalawa ang taunan nang pagkakaibigan at pagkakakilala sa paglalaro laban sa The Wall sa game show ng Viva TV na pinangungunahan ni Billy Crawford bilang host o game master.

Bago ang The Wall Philippines, kakaibang swerte at adrenaline naman ang ihahatid ng celebrity contestants/players na sina Cristine Reyes, McCoy de Leon at komedyanteng si Petite sa Rolling In It Philippines, alas-siyete ng gabi.

Pinamumunuan ni Yassi Pressman bilang host, sino kaya sa tatlo ang makakapag-uwi ng malaking papremyo ngayong linggo?

Abangan lahat iyan sa Todo Max Weekend block ng Kapatid channel mamaya.

Bukod sa The Wall Philippines at Rolling In It Philippines, parte rin ng Todo Max Weekend block ang Pinoy adaptation ng sikat na K-drama na Encounter, kung saan lumalalim na ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Selene (Cristine) at Gino (Diego Loyzaga) kaya naman kinikilig ang viewers sa kakaibang tambalan na ito ng Viva artists.

AUTHOR PROFILE