Sandara

Sandara, inaya si Pokwang na mag-‘shot puno’

January 16, 2024 Vinia Vivar 163 views

Puring-puri ni Pokwang si Sandara Park na very humble pa rin at never nakalimot.

Nagsagutan ang dalawa sa kanilang X account nang batiin ni Pokwang si Sandara sa bagong TV commercial nito.

“Congratulations to my baby Krung @krungy21 sa new TVC Light na Light sa Life dusurv miss you nak,” ang mensahe ng komedyana kay Sandara.

Nakakatuwa ang sagot ni Sandara dahil niyaya niya ng shot puno si Pokie.

“Thank you Mommy Poky miss you!!!!! Shot puno tayo when I go back to Manila!!!” sey ni Dara kay Pokwang.

Take note na alam ng South Korean singer at dating miyembro ng 2NE1 ang terminong ‘shot puno.’

Sagot naman ni Pokie, “Yes nak lez go….. gusto ko ma meet mo new baby sister mo si Malia hahahaaha i love you see you nak.”

Pagkatapos nito ay nag-post ng papuri si Pokwang para kay Sandara na dati na rin niyang nakatrabaho noong panahong artista pa ito sa Pilipinas.

“Hindi nakakalimot my very humble baby Krung i love you,” ang appreciation post ni Pokwang for Sandara.

AUTHOR PROFILE