Zeinab

Zeinab, nanghina sa perang nilustay ng cager-BF

January 16, 2024 Vinia Vivar 120 views

Nanghina si Zeinab Harake sa mga mamahaling regalo sa kanya ng dyowang si Bobby Ray Parks Jr.

Sa latest unboxing vlog ng newbie actress at content creator ay binuksan niya ang mga natanggap na gift last December at kabilang na nga rito ang mga ibinigay ng kanyang basketbolistang partner na una niyang binuksan.

Hindi lang isa kundi apat na regalo ang natanggap ni Zeinab mula kay Bobby at ang tatlo roon ay puro designer items tulad ng Chanel bag, Hermes sandals at Yves Saint Laurent heels.

Halos malula si Zeinab sa mga mamahaling regalo sa kanya ng cager at pinagalitan niya pa ito sa laki ng perang ginastos.

“Nanghina ako sa mga bigay mo. Ang mahal nito,” ani Zeinab.

Sa kwenta ng newbie actress ay mahigit sa kalahating milyon ang nagastos ni Ray sa mga regalong ibinigay sa kanya.

“Pinakamahal na Christmas gift ko ‘to,” sabi pa ni Zeinab.

Masayang-masaya naman si Ray na makitang gustung-gusto ni Zeinab ang mga gift niya.

Sabi pa ni Zeinab, “Nagse-save tayo, ‘di ba?”

Pero sey pa niya, ang best gift na binigay sa kanya ng dyowa ay ang Bible dahil wala itong katumbas na pera. Katabi nga raw nila ito lagi ‘pag natutulog.

Pero aniya, ang love language talaga ni Ray ay giving gifts.

Nape-pressure tuloy siya dahil malapit na ang kaarawan ng dyowa at hindi niya alam kung ano ang ibibigay niya.

KATHRYN, SHARON AT JUDAY BET MAKASAMA NI PIOLO

Si Kathryn Bernardo ang no. 1 sa bucket list ni Piolo Pascual na gusto niyang makatrabaho sa isang proyekto.

“Top of mind, Kathryn Bernardo. We belong to one management, kaming dalawa ay mina-manange ni Tita Lulu (Romero). I have high respects for her work ethic saka ‘yung professionalism niya,” saad ni Piolo sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.

Ang pangalawa niyang binanggit ay si Megastar Sharon Cuneta.

“There’s another one, si Mega. Sharon Cuneta. I haven’t worked with her,” he said.

At kung meron naman daw aktres na gusto niyang makatrabaho ulit, ito ay walang iba kundi ang dati niyang ka-loveteam na si Judy Ann Santos.

“And then, if there’s one person that I’ve worked with that I want to work with again, Juday. I’ve always expressed my interest,” sey ni Papa P.

‘Yun nga lang, mukhang malabo silang magkaroon ng reunion project ni Juday dahil ayaw umano ng aktres.

“Wala eh. Ayaw ni Juday, so okay lang din. Pero sabi ko, should there be a time na mag-open siya, sabi ko, yeah, of course,” sey pa ng aktor.

AUTHOR PROFILE