Salamat sa suporta
MARAMING-MARAMING salamat sa inyong muling pagtiwala sa aming ACT-CIS partylist.
Bilang chairman ng grupo, pangako ko na hihigitan pa namin ang pagtulong ngayon at pagtatrabaho ng aming mga nominees sa kongreso.
Kung marami kaming natulungan noong 2016 hanggang ngayon, dodoblehin pa namin yun in the coming months.
Hindi matatawaran ang inyong tiwala sa aming grupo kaya susuklian namin ang aming mga nagawa nitong mga nagdaang taon sa pagtulong pa sa mga inaapi at kapus-palad at ang aming performance sa Kongreso.
I guess people see if you keep your promises during the previous election. Then they translate it into votes in the next election particularly at the national level.
Tinanong ako ng isang rasio reporter lunes ng gabi kung anong sikreto ng aming partylist at number one na naman daw kami sa halala, ang tugon ko lang ay …
“We adhere to politics of performance rather than politics of words”.
Nakikita kasi ng mga tao at tinatandaan nila kung tutuparin mo ang iyong mga campaign promises.
Matatandaan na isang taon pa lang matapos maluklok sa kongreso at tumama nga ang pandemya sa buong bansa noong 2020, kaagad na kumilos ang ACT-CIS para maghatid ng mga pagkain sa mga lugar na naglock down sa Metro Manila at karatig na pook.
Hindi rin tumigil ang grupo sa pagtulong sa pagpapa-cremate sa mga pumanaw dahil sa corona virus.
Araw-araw daan-daang libo ng mga maintenance medicine ang ipinamamahagi ng ACT-CIS action center sa mga walang pambili ng gamot at walang pambayad sa ospital.
Hindi rin nagpahuli ang act-cis sa pagpasa ng mga panukalang batas sa Kongreso para sa mga mahihirap at inaapi.
“We will double our efforts this time para makagawa ng batas hindi lang para sa mga mahihirap kundi para na rin sa mas matatag na peace and order at seguridad ng bansa”.