San Pablo Nagkaroon ng ‘homecoming’ para kay Roberta Angela Santos Tamondong na lalahok sa ‘Miss Grand International 2022’ sa San Pablo City Laguna, kasama sina Mayor Vicente Amante (pangatlo sa kaliwa) City Adminstrator Larry Amante (dulo, kanan) habang nasa kaliwa si Vice Mayor Justin Colago. Kuha ni Gil Aman

Sahod ng casual employees sa San Pablo dinagdagan

September 5, 2022 Gil Aman 673 views

San Pablo City – Aabot sa 1,107 casual at job order employees sa lokal na pamahalaan ng lungsod na ito ang itinaas ang suweldo sa P400 kada araw sa dating P200 kasabay sa inanunsiyo ni Mayor Vicente Amante sa regular na flag-raising ceremony araw ng Lunes sa old capitol building.

Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ng mga job order employees na may kabuuang 854 at casual employees at 253 mula sa legeslative branch sa mahalagang sinabi ni Mayor Amante.

Binanggit ng punong-lunsod na dahil sa kakulangan ng pondo para sa pagtataas ng suweldo ng mga nasabing kawani ay ilang mga posisyon para sa executive assistants ang hindi na pinayagang mai-renew.

Ayon kay Amante, isa ito sa kanyang naging prayoridad na pagsasagawa ng mga programa upang makatipid ang pamahalaang lunsod upang magkaroon ng sapat na pondo para sa pagtataas ng suweldo ng lahat ng mga non-permanent employees.

Nanawagan rin ang punong-lunsod sa Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni Vice Mayor Justin Colago na magkaroon rin ng mga programa sa pagtitipid para sa karagdagang pagtataas ng suweldo ng mga nasabing kawani.

Nagpapasalamat naman si Mayor Amante sa lahat ng casual at job order employees na episyente at epektibong nagagampanan ang kanilang tungkulin.

Kasabay rin na pinasalamatan ang maligayang pagdating ni Miss Roberta Angela Santos Tamondong na sasabak sa “Miss Grand International 2022”, kahapon sa lungsod ni Mayor Amante na tubong lungsod ng San Pablo City.

AUTHOR PROFILE