Darryl

RUFFA, NIYAYA SI DIREK DARRYL MAMILI NG IMELDIFIC OUTFITS SA HK

February 19, 2023 Ian F. Fariñas 320 views

SPEAKING of Ruffa, naaliw ang netizens sa palitan nila ng asaran ng Maid in Malacañang at Martyr or Murderer director niyang si Darryl Yap sa Facebook.

May kinalaman ang asarang iyon sa private message ng aktres na ini-screenshot at ipinost ng controversial director sa socmed.

Mababasa sa screenshot ang pag-aaya ni Ruffa kay Direk Darryl na mag-shopping sa Hong Kong ng isusuot sa grand presscon ng MoM ngayong Lunes.

“Helllooo Direk!! We need to wear a bonggang costume daw for the grand presscon on the 20th. IMELDIFIC daw ang peg. Tapos may premiere pa in 10 cities worldwide.

Yayyy!

“Are you going to Jinggoy’s bday party later? Tara HK tayo tomorrow to buy our outfits. Balikan lang!!! It’s only an hour away and the shops are open na. How exciting!!

Let’s goooo!!!” ang laman ng pribadong mensahe ni Ruffa kay Direk Darryl na sinagot nito ng pawang emojis.

“Whyyyy?? Lol are you still editing??” muli ang banat ni Ruffa sa direktor.

Kaya sa socmed post, pinaglaruan siya ni Direk Darryl at sinabing, “Sino’ng di busy? Replyan nyo nga si Ruffa Gutierrez. Focus na muna ako kay Cherry Pie.”

Ni-repost iyon ni Ruffa na nagsabing, “Lesson learned: When you wanna communicate with Direk Darryl Yap it’s better to call para hindi ka ma screenshot! Lol wahhhhh!!!”

Sa March 1 na magsisimulang mapanood ang MoM sa mga sinehan worldwide mula sa Viva Films at VinCentiments.

AUTHOR PROFILE