Pacman

Annabelle, masaya sa pagbabati nina Sen. Jinggoy at Sen. JV

February 19, 2023 Ian F. Fariñas 349 views

FRESH at bagets na bagets ang dating ni Annabelle Rama sa katatapos na 60th birthday celebration ni Sen. Jinggoy Estrada na ginanap sa The Tent at Solaire nu’ng Biyernes ng gabi.

Kasamang dumalo ni Tita Annabelle sa okasyon ang mga anak na sina Ruffa at Raymond Gutierrez. Ka-table nila ang dating senador at world boxing champ na si Manny Pacquiao.

Nang hingan siya ng People’s Tonight ng birthday wish para sa aktor-politiko, sinabi ni Tita Annabelle na masaya siya’t nagkabati na ito at ang nakababatang kapatid na si Sen. JV Ejercito.

“Haping-happy ako nagbati na silang dalawa ni JV,” panimula ni Tita Annabelle. “’Yun sana ang aking ano, pero nagkabati na sila. Siyempre, tuluy-tuloy ang swerteng nangyayari sa kanya, magtatagal siya sa Senate,” patuloy niya.

AUTHOR PROFILE