David

David, ’di naniniwala sa network war

February 19, 2023 Vinia Vivar 403 views

Usap-usapan ngayon sa showbiz ang matinding banggaan ng dalawang malakas na primetime series ng GMA-7 at ABS-CBN, ang Maria Clara at Ibarra at ang FPJ’s Batang Quiapo, respectively.

Kaya naman sa interview ng entertainment press kay David Licauco sa mediacon ng BlueWater Day Spa kung saan ay isa siya sa endorsers, natanong ang Pambansang Ginoo at isa sa mga bida ng MCAI kung ano ang reaksyon niya sa tapatan nila ng serye ni Coco Martin.

“Well, I don’t believe in network wars,” pahayag ni David. “Like we all have to think na parang the reason why like we have shows is because it’s for us to make people happy.”

Dagdag pa niya, “Kasi, alam naman natin na nakakapagod na ang buhay minsan, maraming problema, so bakit pa tayo magne-network war? So, siguro, nasa network na lang ‘yun kung sino ang mas magaling, kung sino ang mas makakapagpasaya ng tao.”

Kumbaga ay healthy competition na lang daw ang dapat pairalin.

As we all know ay isa si David sa mga dahilan kung bakit din mataas ang ratings ng MCAI. Nagustuhan nga kasi ng mga tao ang karakter nila ni Barbie Forteza bilang Fidel at Klay.

Anyway, hanggang ngayong linggo na lang ang tapatan ng dalawang shows dahil magtatapos na ang MCAI sa Biyernes.

AUTHOR PROFILE