Rocco at Melissa pinagpupustahan ang magiging anak

May 8, 2022 Aster Amoyo 364 views

Rocco1MAY pustahan ang mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing-Nacino sa gender ng kanilang magiging first baby.

Baby girl ang hula ni Rocco habang si Melissa ay boy. Sakaling maging boy or girl ay meron na umano silang nakahandang pangalan para rito.

January 21, 2021 nang nagpakasal ang dalawa onboard a naval warship, ang BRP Davao del Sur LD602 na nakadaong sa Pier 13 ng South Harbor in Manila.

Masayang-masaya ang mag-asawang Rocco at Melissa dahil dininig ng Diyos ang kanilang panalangin na magkaroon ng baby. Ang announcement ng pagbubuntis ni Melissa ay ginawa ng mag-asawa last Friday, May 6.

Angelika

Xxxxxxxxx

DALAWA pang expectant months bago magtapos ang tapong kasalukuyan ay sina Dimples Romana at Angelica Panganiban.

Ipinagbubuntis ngayon ng Kapamilya actress na si Dimples ang kanyang third child sa husband niyang si Boyet Ahmee habang ang dinadala ngayon ni Angelica ay first baby nila ng kanyang partner , ang Australian businessman na si Gregg Homan.

Magkakasunod namang nagsilang ng kanilang unang baby late last month and early this month sina Jennylyn Mercado, Angeline Quinto, Rich Asuncion (sa kanyang second child) at Winwyn Marquez.

Sharon tuluy-tuloy ang pagpayat

NASUBUKAN noon ng megastar na si Sharon Cuneta ang magpa-lipo pero kailangan itong ma-maintain sa pamamagitan ng strict diet and exercise. Pero ang ginawa ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan ay inunti-unti niya ang pagpapayat at sa loob ng anim na taon ay 85 lbs. ang nawala sa kanya timbang. According to her, `it is still a work in progress’ at hindi umano siya titigil hangga’t hindi niya naa-achieve ang weight na gusto niyang makuha.

Bahagi pa rin si Sharon ng top-rating and long-running action-drama series na “Ang Probinsyano” na pinangungunahan ni Coco Martin.

Next month ay balik sa concert scene si Mega kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa kanilang reunion concert na “Iconic” na magkakaroon din ng US tour sa buwan ng July.

At 56, Sharon, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang career kahit ilang beses na niyang sinabi na magre-retire na siya.

Andi at Philmar may bagong negosyo sa Siargao

IT was in 2017 nang mag-desisyon ang actress na si Andi Eigenmann na mamirmihan sa Siargao Island. Ngayon, simpleng na silang namumuhay ng fiancé na si Philmar Alipayo kasama ang dalawang anak na sina Lilo (4) at Koa (1) habang ang kanyang panganay na anak na si Ellie (10) sa actor na si Jake Ejercito ay pabalik-balik ng Siargao at Maynila.

Kamakailan lamang ay binuksan na ng engaged couple ang kanilang Kanaway Snack Bar at Surf Shop in Siargao. Si Andi ang namamahala ng snack bar habang si Philmar naman sa kanilang surf shop na nagbebenta ng iba’t ibang surf accessories. Nagbibigay din si Philmar ng surf lessons sa mga baguhan.

Samantala, magkasama sina Andi at Philmar kampanya ng pangangalaga ng kalikasan sa Siargao kaya mga eco-friendly ang kanilang gamit sa kanilang snack bar.

Mga kandidato huhusgahan na

HUHUSGAHAN na sa araw na ito ng Lunes, May 9 ang susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng bansa gayundin ang 12 bagong senador na uupo sa senado maging ang mga kongresista, partylist representatives at local officials.

Sana lamang kung sinuman man ang mga mananalo ay irespeto ng kanilang mga katunggali nang mabalik na sa normal ang lahat at subaybayan na lamang natin ang kanilang magiging performance kung tutuparin ba nila ang kanilang mga ipinangako.

Ang bawat isa sa atin ay may kani-kanilang responsibilidad sa ating bayan. Huwag nating iasa lahat sa mga mamumuno dahil may tungkulin din ang bawat isa sa atin na kailangan din nating gampanan.

Umaasa kami sa mapayapa at matagumpay na halalan. Huwag po natin ibebenta ang ating mga boto. Bumoto nang naaayon sa ating konsensiya at pinaniniwalaan.

Jennifer

Jennifer gusto pa ring mag-artista kahit successful businesswoman na

Jennifer1ISA sa mga successful member ng dating youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong star-builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno ng GMA ay ang actress-businesswoman na si Jennifer Sevilla-Go who is turning 48 sa May 14.

Bukod sa nakapagtapos si Jennifer ng Communications Arts sa University of Santo Tomas, isa na itong successful businesswoman along with her businessman husband na si Seymour Go.

Si Jennifer ang namamahala ng kanilang Lynelle Hair Fashion business na bago dumating ang pandemya ay may limang branches na. Bukod dito, sila rin ang may-ari ng Mannequin Incorporation, ilang gasoline stations at local distributor sila ng Lion Coffee na nagmula ng Hawaii, USA.

Seven years old pa lamang noon si Jennifer nang kunin sa ilang TV commercials na kanyang naging pasaporte sa kanyang pagpasok sa showbiz in 1984.

Nakagawa na siya ng maraming pelikula when she was signed-up by Seiko Films ni Robbie Tan at pagkatapos ay saka siya ibinigay ng Seiko producer kay Kuya Germs ng “That’s Entertainment.”

Nakagawa siya ng maraming movies sa bakuran ng Seiko na karamihan sina Sheryl Cruz at Romnick ang mga pangunahing bida. May ilang movies din silang ginawa ni Ian Veneracion na minsan ding nagparamdam sa aktres.

Ayon kay Jennifer, wala umano siyang naging boyfriend sa showbiz. She met her husband na si Seymour sa Divisoria kung saan ito may store ng mga fabrics and other accessories. Si Jennifer naman ay may clothing business noon at siya mismo ang namimili ng mga supplies sa Divisoria.

Actually, ang suki ni Jennifer ay ang mommy ni Seymour pero dalawa umano ang kanilang store sa Divisoria at nagkataon na si Semour noon ang nagbabantay sa isang store nang dumating ang aktres. Walang idea si Seymour na isang celebrity si Jennifer. Nagpalitan umano sila ng telepono, nagkatawagan hanggang yakagin na si Jennifer ng date ni Seymour.

It was on November 11, 2007 nang magpakasal ang dalawa. Ang nakakalungkot lamang, ulila nang lubos si Jennifer nang siya’y mag-asawa at magkaroon ng dalawang anak na sina Simon (13) at Mavy (9).

Although isa nang successful businesswoman si Jennifer, nagi-enjoy pa rin umano siya sa kanyang acting career kung saan siya bukas hanggang ngayon.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE