Robin

Robin at Mariel, nagdiwang ng 13th wedding anniversary

August 19, 2023 Vinia Vivar 224 views

Masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang kanilang 13th wedding anniversary base na rin sa Instagram post ng TV host.

Nag-upload si Mariel ng larawan nila ni Binoe na nasa isang restaurant and looking very happy.

Caption ni Mariel, “13 years!!!! 💍 happy anniversary my babe 💕 enter shania twain “looks like we made it 🎵 🎶 🎼 “ yaaaaay.”

Matatandaang ikinasal sina Robin at Mariel sa Taj Majal noong Aug. 19 2010. Since then ay nananatiling matatag ang kanilang samahan at mukhang tapos na nga si Binoe sa‘womanizing’ days niya.

In fairness, buhat nang pakasalan ni Robin si Mariel ay wala nang nabalitaang mga babaeng natsismis sa kanya unlike noong bata-bata pa siya na talagang maya’t maya ay may nali-link sa kanya.

Ang lagi ngang sinasabi ni Mariel sa kanyang interviews, siguro ay nakilala niya si Robin sa panahong gusto na nito ng quiet family life.

AUTHOR PROFILE