Sunog BIKTIMA–Ang mga labi ng mag-lolo matapos masunog ang kanilang bahay sa Sta. Ana, Manila noong Sabado. Kuha ni Jon Jon Reyes

Mag-lolo utas sa sunog

May 26, 2024 Jonjon Reyes 71 views

PATAY ang mag lolo ng ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa 1546 Kapampangan corner Pedro Gil St., Sta. Ana, Maynila noong Sabado.

Namatay sa sunog ang sina Danilo, 61, at isang 6-anyos na batang lalaki.

Nasa humigit-kumulang sa P100,000 ang pinsala ng sunog.

Ayon sa ulat ng Manila Fire Department-Bureau of Fire Protection, pasado alas-4:43 ng umaga ng sumiklab ang apoy sa nasabing lugar.

Idineklarang fire under control dakong alas-6:00 ng umaga at fire out na ng alas-6:40.

Rumesponde ang mga pulis ng Manila Police District-Labores Police Community Precinct para masiguro ang seguridad at maiwasan ang mga masasamang loob na dadayo sa lugar para magnakaw.

AUTHOR PROFILE