Pagasa

TS Aghon patuloy na pinaiigting ang lakas

May 26, 2024 People's Tonight 115 views

PATULOY na pinaiigting ng Tropical Storm #AghonPH ang lakas nito at kasalukuyang namataan sa Mauban, Quezon ayon sa pinakahuling ulat ng Dost_pagasa.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 at 2 sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas.

Iniulat ng NDRRMC sa inilabas nitong situational report 8:00 a.m. Liinggo na higit P3 miyong halaga ng food at non-food items, at cash assitance ang inilaan ng ahensya para sa limang rehiyong apektado ng #AghonPH na isa nang Tropical Storm 11:00 Mayo 26, 2024.

Umabot na sa 513 na pamilya o 2,734 na indibidwal ang apektado ng pananalasa ng #AghonPH.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 at 2 sa iba’t ibang bahagi ng Luzon dahil sa Tropical Storm #AghonPH na huling namataan sa Sariaya, Quezon, patungo sa direksyong northwestward sa bilis na 10 km/h.

Pinapayuhan ng Dost_pagasa ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa patnubay ng kanilang lokal na pamahalaan upang manatiling ligtas, lalo na sa pagbaha at pagguho ng lupa na maaaring maidulot ng pag-ulan.

AUTHOR PROFILE